22 July 2011

Taho sa Umaga

Kaninang umaga, kumain ako ng taho na hindi sa mall binibili. Ang saya saya ko na sa subdivision namin may naglalako pa din ng taho tuwing umaga o hapon. At masaya ako para kay manong magtataho dahil ayon sa kaniya, laging nauubos ang nilalako niya. Gusto ko din bigyang pugay si manong dahil ang subdivision namin ay medyo nasa bundok kaya ang mga kalsada ay matarik na paakyat at pababa. Hindi ko ma-imagine ang pakiramdam ng may dalang taho sa balikat mo habang paakyat baba sa mga daanan dito. Tunay na dakila si manong magtataho.

Noong bata ako, tuwing umaga may naglalako din ng taho. Isa ito sa mga nagpapaalala sa akin ng kabataan ko. Hindi lang taho ang nilalako noon tuwing umaga. Meron ding naglalako ng yakult, at sa hapon naman ice cream. Meron din ice scramble paminsan, na ngayon ay commercialized na. Sa gabi naman, balut at penoy ang sigaw ng mga nagtitinda.

Bukod sa mga nilalakong pagkain, kasama din sa mga childhood memories ko ang paglaro sa labas ng bahay. Tuwing hapon, lumalabas kami ng mga kapit bahay ko para maglaro. Minsan maglalaro kami ng patintero, taguan at habulan. Madaming klase ng habulan noon. May shake shake shampoo, monkey monkey, habulan upo at langit lupa. Kung minsan naman, dun kami sa playground. Minsan inaabot kami ng gabi sa labas. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kami maglaro, parang walang bukas. Tapos kinabukasan naman, yun ulit ang mga nilalaro namin, hindi kami nagsasawa.

Ang sarap maging bata. At napaka-laking pasasalamat ko na naging bata ako noong mga panahong uso pa maglaro sa labas, gamitin ang imahenasyon, at konti pa lang ang computer games. Kahit kulelat ako sa mga habulan, masaya akong pinagdaanan ko ang mga ganung laro.

At ang lahat ng ito ay naisip ko dahil sa taho. :9

7 comments:

  1. Wow! Ang saya ng post na to! :)

    And you used a lot of words that I haven't heard in a long time. These are my top 3 favorites:
    3) pugay
    2) naglalako
    1) kulelat!

    haha ang galing..

    Pero ano yung shake shake shampoo? Kapareho ba yung nung seven up something?

    ReplyDelete
  2. @jera haha! salamat.. :D

    shake shake shampoo: parang monkey monkey din, pero imbis na bawal gumalaw, hahawak ka lang sa bewang at kekembot in place. pwede ka na tumkabo ulit kapag "shinampoo" ka na (parang "anabelle" sa monkey monkey") hahaha!!

    nakalimutan ko nga isama yung pepsi seven up tska marco polo!! pati tumbang preso!

    ReplyDelete
  3. haha! ang funny naman nung pwede lang tumakbo pag-shinampoo na :D di ko alam yan ah. never played that game. never ko rin nagets yung tumbang preso. parang baseball ba yun pero lata ang gamit? eh yung "habulang marcos" alam mo ba yun?

    ReplyDelete
  4. @jera haha! yung tumbang preso, babatuhin ng tsinelas yung lata, pero dapat sa likod lang ng line. kung lalampas ka sa line, pwede ka tayain. mm.. pag natumba ata yung lata, tska niyo pwede i-retrieve yung tsinelas niyo di kayo pwede tayain hanggat di natatayo ulit yung lata. parang ganun. haha.

    di ko alam yung habulang marcos.. same ba yun sa marco polo?

    ReplyDelete
  5. yung habulang marcos parang zombie invasion. kapag nataya ka nung taya, 2 na kayong taya hanggang lahat mataya.. ganun din ba yung marco polo?

    ReplyDelete
  6. @jera aahhh.. iba yung marco polo. kung di ako nagkakamali, yung marco polo, naka blind fold yung taya, tapos pag nagsabi siya ng marcoooo.. (mahaba dapat) pwede gumalaw yung mga tao. pag nag sabi na siya ng polo, stop na lahat. habang naka-stop sila, yung taya (still blindfolded) lalakad hanggang may ma-touch siya na tao tapos huhulaan niya kung sino. pag tama, taya na siya. pag mali, isa pang round.

    ReplyDelete
  7. Aw! Nice. Nakakamiss nga maging bata! (:

    ReplyDelete

want to be notified of replies? click on the "subscribe by email" at the bottom of this comment box thanks! :D you're awesome!