12 August 2011

Hindi ako marunong magluto, pero...

may bago akong pakulo. Ito din ang dahilan kung bakit ako nagbo-blog sa wikang Filipino. Napag-isipan ko na gawing masaya ang pag-blog ko sa pamamagitan ng mga bagong categories. Kung mapaninindigan ko ito, mas madalas na akong magbo-blog at magkakaroon ng karagdagang kaayusan ang aking blog! :D Yehey! Magdiwang tayo!

Haha. Hayaan niyong ipaliwanag ko ang kabaliwan ko.
Mula ngayon, ang mga blog ko ay magkakaroon ng apat na kategoriya:

• Motley Mondays: Ito ang halo-halong araw. Sa madaling sabi, ang mga blog na mapupunta sa kategoriya na ito ay tungkol sa kahit anong gusto ko dahil pag Lunes, madami akong free time mag-blog at mag-isip. Ang mga blog na mapupunta dito ay maaring tungkol sa sarili ko, maaring tungkol sa aso ko, at maari ring tungkol sa buhay ng mga tao sa Alaska. Ito ang ibig sabihin ng Motley, kung nais ninyong malaman. At para sa kaalaman ninyo, nahirapan ako isipan ng salita ang araw na ito. XD
• Whimsical Wednesdays: Ang mga blog na kabilang dito ay tungkol sa mga nakakatuwa o nakakatawang bagay o mga bagay na hindi seryoso. Una kong naisip na gawin itong Wacky o Weird Wednesdays, kaso baka hindi ko mapangatawanan ang wackiness at weirdness.. baka maubusan ako! Kaya whimsical na lang dahil ayon sa dictionary, ito ang ibig sabihin ng whimsical: playfully quaint or fanciful, esp. in an appealing and amusing way.
• Filipino Fridays: Ito ang dahilan kung bakit nasa wikang Filipino ang blog na ito, para pasok siya sa Filipino Fridays. Hehe. Gusto ko kasi may isang category ako na Filipino ang gamit ko o/at tungkol sa Pilipinas o mga Pilipino ang topic ko. Yes, ako na ang makabayan.
• Serious Sundays: Kailangan pa bang i-explain yan? Dito mapupunta ang mga blog ko na seryoso. Malamang tungkol ito sa mga paniniwala ko at realizations tungkol kay God or tungkol sa ano mang bagay na palagay ko ay importante at dapat pag-isipan.

Ayan! Yan ang aking bagong pakulo. :D Sana mapangatawanan ko, at makapag-blog ako more regularly.   Hehehe. Kung sakaling may mga blog ako na hindi kasali sa kahit alin sa mga iyan, maaring ilagay ko ita sa ibang araw at ilagay sa kategoriyang "Random". Haha. Kung sakali lang naman. :p Ibig sabihin din, ang susunod kong blog ay sa Linggo na.. abangan niyo ang unang blog ko na kabilang sa Serious Sundays :)

0 comments:

Post a Comment

want to be notified of replies? click on the "subscribe by email" at the bottom of this comment box thanks! :D you're awesome!