02 September 2011

Limang Buwan ng Pasko

Kumukutikutitap!
Sabi nila, sa Pilipinas daw pinaka-mahaba ang Pasko. Kung sa Amerika ay may 12 Days of Christmas, dito sa Pilipinas ay may Limang Buwan ng Pasko o Five Months of Christmas. Pag-sapit ng mga tinatawag na "Ber Months", masisimulan mo nang madinig ang mga awiting pang Pasko at umaabot ang pagdiriwang nito hang Enero (January). Kahapon, unang araw ng unang "Ber Month", narinig ko ang unang awiting Pasko ko sa taong ito, at iyon ay walang iba kundi ang "Christmas in Our Hearts" na isinulat ni Jose Mari Chan at Rina CaƱiza. Ito ang isa sa pinaka-popular na awiting pang Pasko dito sa Pilipinas. Karaniwan din itong maririnig na kinakanta ng mga namamaskong bata.

Palagay ko bawat Pilipino alam ang kantang ito. 1990's pa ito unang ni-release pero hanggang ngayon, kilala pa din ang kantang ito. Kung sakaling hindi mo alam ang lyrics nito, ito na:

Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the street
I remember the child in the manger as he sleeps
Wherever there are people
Giving gifts exchanging cards
I believe that Christmas is truly in our hearts
Let's light our Christmas trees for a bright tomorrow
Where nations are at peace,
And all are one in God

[Chorus:]
Let's sing Merry Christmas and a happy holiday
This season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts

In every prayer and every song
The community unite celebrating the birth of our savior Jesus Christ
Let love like that starlight on that first Christmas morn
Lead us back to the manger where Christ the child was born
So come let us rejoice
Come and sing the Christmas carol with one big joyful voice
Proclaim the name of the Lord


Iba talaga ang saya na naidudulot ng Pasko. Hindi mo maipagkakaila na ito ang pinaka sikat na holiday sa buong mundo. Madami nang naihalo dito, naidagdag at naibawas, pero ang tunay na kahulugan nito ay mananatiling buhay sa puso ng marami hanggang sa mga susunod pang henerasyon.  Nagpapasalamat ako sa Diyos na nagkaroon ng Pasko, di bale na kung totoong December 25 nga ba ito o hindi. Ang importante ay may pagkakataon tayo bilang isa Bansa, bilang isang mundo, para ipagdiwang ang isa sa pinaka importanteng pangyayari sa kasaysayan ng mundo. At gaya ng nasasaad sa kanta, sana'y maranasan natin at huwag natin kalimutan ang pag-ibig ni Jesus sa buhay ng bawat isa sa atin. :)

Maligayang Limang Buwan ng Pasko mga kapwa ko.

0 comments:

Post a Comment

want to be notified of replies? click on the "subscribe by email" at the bottom of this comment box thanks! :D you're awesome!